Bubuo ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng grupo na tutugis kina dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag at dating Deputy Security Officer Ricardo Zulueta.
Ayon kay NCRPO Chief PBGen. Jose Melencio Nartatez, ino-organize na nila ang team na magsasagawa ng manhunt operation laban kina Bantag at Zulueta.
Aniya, kailangang mahuli agad ang dalawa para mapanagot ang mga ito sa kasong kanilang kinasasangkutan.
Sina Bantag at Zulueta ay kapwa akusado sa kaso ng pagpatay kina broadcaster Percival Mabasa o Percy Lapid at sa inmate na sinasabing middleman na si Jun Villamor noong Oktubre 2022.
Dawit din sila sa sinasabing pag-torture sa ilang inmates ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.
Una nang nag-alok ang Department of Justice (DOJ) ng P2 milyong pabuya sa makapagtuturo sa kinaroroonan ni Bantag, habang P1-M naman kay Zulueta.