NCRPO Chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar, nagsagawa ng suprise inspection sa mga presinto sa Paranaque at Pasay City

366

Nagsagawa ng suprise inspection si National Capital Region Police Office Chief Major General Guillermo Eleazar sa mga himpilan ng pulisya sa Paranaque at Pasay City.

 

Ito’y upang personal na makita kung sinunod ng mga pulis ang kaniyang utos na panatilihing malinis ang bawat presinto anumang oras.


 

Una nang binalaan ni Eleazar na mananagot sng mga opisyal at tauhan ng bawat istasyon ng mga pulis kapag hindi marumi ang loob at labas ng kanilang nasasakupan.

 

Nakutento naman si Eleazar sa resulta ng paglilinis kung saan pagdating sa usapin ng mga vendor sa Baclaran ay ipinaliwanag ng opisyal na hindi na daw nila jurisdiction.

 

Siniguro naman ng samahan ng mga vendor na pananatilihin nilang malinis ang lugar habang titiyakin din ng mga pulis na magagawa nila ito.

Facebook Comments

From Advertisers