Nahaharap na ngayon sa iba’t ibang kaso sa Taguig City Prosecutors office at paglabag sa city ordinance ng Taguig City sina National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Debold Sinas at 18 pang mga police officers ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag umano sa community quarantine protocols.
Ito ay matapos ang isinagawang mañanita sa kaarawan ni NCRPO Chief Sinas nitong nakalipas na Mayo 8, 2020 sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City nang walang mga facemask at hindi naipatupad ang social distancing.
Ang PNP Internal Affairs service at PNP intelligence group ang naghain ng kaso sa mga opisyal sa Taguig Prosecutors Office kanina.
Sa ulat ng PNP Internal Affairs Service bukod kay General Sinas, kinilala ang ilan sa 18 pang pulis na nasampahan ng kaso sina Brigadier General Nicolas Bathan, Brigadier General Florendo Quibuyen, Brigadier General Florencio Ortilla, Brigadier General Gerry Galvan na taga PNP-IAS, Brigadier General Idelrandi Usana, Colonel Eliseo Tanding, at Colonel Remus Medina.
Nahaharap sila ngayon sa kasong Presidential Proclamation No. 922 o ang pagdedeklara ng State of Public Health Emergency, R.A. 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act, R.A. 1132 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.
Maliban dyan lumabag din sila sa ordinansa ng Taguig City na mandatory wearing of facemask.