Manila, Philippines – Nanawagan ngayon si Director OscarAlbayalde, hepe ng National Capital Region Police office na maging alisto angmga mamamayan hinggil sa mga krimen na nangyayari sa bawat sulok ng MetroManila.
Ito’y matapos na mag-viral ang video ng isang babae nanakaladkad ng riding in tandem matapos na hindi nito binitawan ang kaniyang baghabang naglalakad sa kalsada ng Pedro Gil Street.
Sa interview ng DZXL kay Albayalde, dapat ay magtulunganang bawat isa lalo na sa pagsugpo ng krimen kung saan hindi din daw dapatipagsawalang bahala ang mga ganitong insidente.
Aminado din ang opisyal na kulang ang kanilang mga tauhanpara bantayan ang lahat ng mga lugar na posibleng pagmulan ng krimen kaya’tkinakailangan nila ang tulong ng mga opisyal ng barangay.
Sa huli sinabi ni Albayalde na kung sakalingmaka-encounter ng anumang krimen ay maaari silang tumawag sa 9-1-1 para mabilisna makaresponde at maresolba ito ng pulisya.
NCRPO Chief Oscar Albayalde, nanawagan sa publiko na maging alisto hinggil sa mga krimen na nangyayari
Facebook Comments