NCRPO, gagamitin ang social media para disiplinahin ang mga abusadong pulis

Gagamitin na ng  National Capital Region Police Office ang social media para disiplinahin ang mga pasaway na pulis at upang mabigyang parangal naman ang mga mabubuti’t tapat na alagad ng batas.

Ayon kay NCRPO Chief MGen. Guillermo Eleazar, malaki ang maitutulong ng social media para lalong maipaabot sa publiko ang mga ginagawa ng mga pulis.

Inihalimbawa ni Eleazar ang pulis na nambully ng isang Call Center Agent sa San Juan gayundin sa isang pulis naman na nanutok ng baril sa isang Motorista sa Quezon City.


Kapwa nasibak na ang mga nasabing pulis na ngayo’y nahaharap na sa patumpatong na kasong Administritibo.

Gayundin naman, ang ginawang paghabol sa snatcher ng isang pulis Maynila at ang pulis na nagligtas sa buhay ng isang magpapatiwakal sa Parañaque City.

Kapwa binigyang parangal ang mga nabanggit na pulis na nakatanggap ng bagong lunsad na pulis Magiting Program ng NCRPO.

Facebook Comments