PAO, nag-iikot sa mga bilangguan para tumulong sa maagang pagpapalaya sa mga karapat-dapat na detainees

57

Tumutulong na rin ang Public Attorney’s Office para makalaya ng maaga ang mga bilanggong karapat-dapat makauwi sa kanilang mga pamilya

Sa isang panayam sa Maynila, sinabi ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta na nag-iikot na sila ngayon sa mga bilangguan para mag-assess sa mga presong nararapat nang mapalaya


Sinabi  ni Acosta na sa katunayan may mga bilanggo na silang napalaya sa pamamagitan ng GCTA o Good Conduct Time Allowance.

Aniya , magsusite sila sa Dept of Justice sa Martes ng pangalan ng mga convict na natulungan nila para mapalaya ng maaga.

Ikinalugod naman ni Acosta ang pagtutol ng Pangulong Duterte sa maaga sanang paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Aniya, mismong siya ay tutol dito at personal na itong kokontrahin.

Facebook Comments

From Advertisers