NCRPO handang-handa na sa SONA ni PRRD

Magpapakalat ng sapat na bilang ng mga tauhan ang National Capital Region Police Office o NCRPO sa nalalapit na ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na July 22.

Ayon kay NCRPO Major General Guillermo Eleazar,  9,162 security forces, 7,353 policemen na magmumula sa NCRPO, 1,100 police regional offices, 300 mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines Joint Task Force-National Capital Region at 404 mula sa iba pang ahensya ng pamahalaan o kabuuang 15,000 na mga pulis at force multipliers ang magbibigay seguridad sa SONA ng Pangulo.

Sinabi pa ni Eleazar na ngayong Linggo ay magsasagawa sila ng stakeholders meeting at ocular inspection mula sa mga ruta hanggang papasok sa Kongreso.


Nakipagpulong na rin aniya siya sa security division ng House of Representatives maging sa mga lider ng Pro at Anti-Duterte para sa mapayapang pagsasagawa ng mga kilos protesta.

Facebook Comments