Itinanggi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na may mental torture sa dalawang persons of interest sa pagkamatay ni Christine Dacera para daw mapaamin itong may iligal na droga sa ginawang New Year’s party sa isang hotel sa Makati City.
Reaksyon ito ni NCRPO Chief Pol. Brig. General Vicente Danao Jr., matapos ang pahayag ni Atty. Abigail Portugal na ginawan ng mental torture ng mga otoridad sina John Paul dela Serna at Rommel Galido kaya napilitan ang mga ito na sabihin na may iligal na droga sa naturang party na ginawa sa City Garden Grand Hotel.
Patunay nito ay nagsumite ang Philippine National Police (PNP) ng supplemental complaint ng investigating police officer.
Umaasa naman ang opisyal na sa madaling panahon ay makukumpleto na ng PNP ang mga ebidensya na isusumite at magkaroon ng positibong tugon sa susunod na pagdinig mula sa fiscal.
Aminado rin si Danao na kahit dumaan na sa ika-2 autopsy sa labi ng dalaga ay hindi pa rin nila matukoy kung may nangyari bang krimen dahilan ng pagkamatay ng dalaga.