NCRPO, magkakasa ng inspection sa mga Security Agency na sakop ng kanilang area of responsibility

Inihayag ni National Capital Regional Police Office o NCRPO Director Debold Sinas na plano na nilang mag inspeksyon sa mga security agency sa Metro Manila.

Ito ay matapos mangyari ang hostage taking incident sa isang mall sa San Juan City kahapon, na kinasangkutan ng isang dating security guard na si Alchie Paray.

Napag alaman kasi na si Paray ay hindi lihitimong myembro ng PNP’s Supervisory Office on Security and Investigation Agencies (SOSIA) pero pinayagang magtrabaho bilang security guard ng safeguard Armor Security Corporation SASCOR.


Ayon kay Sinas, sa pamamagitan nito, mache-check din nila kung may mga security agency na gumagawa ng mga ilegal.

Pinuri naman ni Sinas ang ginawang strategy ng San Juan Police at ng local na pamahalaan nito dahil walang may namatay sa nasabing hostage taking incident.

Dagdag pa niya, na minsan ay kailangang gumawa ng mga solusyon na hindi nakabase sa libro o gamitin ang common sense para lang malutas ang isang kaso.

Facebook Comments