Magsasagawa ng simulation exercise ang National Capital Region Police Office (NCRPO) bukas bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa August 22.
Ayon kay NCRPO Spokesperson Lt. Col. Dexter Versola, layon ng simulation exercise na makita ang magiging aktwal na deployment ng mga pulis sa Lunes.
Bago ito ay magpupulong muna ang NCRPO mamayang alas-3:00 ng hapon upang plantsahin ang ilalatag nilang security at deployment plan.
Nabatid na nasa 23,000 mga pulis ang ipakakalat ng Pambansang Pulisya sa buong bansa para sa ligtas na pagbabalik-eskwela sa Lunes kung saan 9,500 rito ay ipapakalat ng NCRPO sa Metro Manila.
Dagdag pa ni Versola, magiging bahagi rin ng force multiplier ang mga security guard ng mga paaralan at mga barangay tanod.
Facebook Comments