Malabon LGU, pinag-igting ang bakunahan kontra COVID-19 sa lungsod

27

Pinaigting pa ng lokal na pamahalaan ng Malabon ang isinasagawang bakunahan kontra COVID-19 sa lungsod.

Kaugnay nito ay patuloy ang panghihikayat ng lokal na pamahalaan sa mga lima hanggang 17 taong gulang at 18 gulang pataas na kumpletuhin ang kanilang bakuna.

Ito ay para maproteksyunan ang sarili at pamilya laban sa COVID-19 at mga variants nito.


Tiniyak naman ng Malabon LGU na sapat ang dami ng bakuna sa lungsod, at tumatanggap din ng walk-in sa mga vaccination site, rehistrado man o hindi, para sa mga nais na magpakabuna ng first dose, 2nd dose, at booster dose.

Para sa schedule ng bakunahan bisitahin ang Facebook page ng Malabon City Health Department.

Facebook Comments