NCRPO makikipag-dayalogo sa mga lider ng mga militanteng grupo kaugnay ng nalalapit na SONA

Dalawang linggo bago ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Makikipagdayalogo ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga lider ng iba’t ibang militanteng grupo upang matiyak ang peace and order sa SONA ng Pangulo.

Ayon kay NCRPO Director, Major Genearl Guillermo Eleazar ngayong linggo isasagawa ang dayalogo sa mga lider ng pro- at anti-Duterte groups.


Sinabi ni Eleazar paglalayuin niya at hindi pagtatagpuin ang pro- at anti-Duterte groups nang sa gayon ay maiwasan ang kantyawan na posibleng mauwi sa gulo.

Samantala, tiniyak din nitong ipatutupad nila ang maximum tolerance.

Wala din aniyang threat o banta sa seguridad ngayong SONA pero hindi anila papakampante ang mga alagad ng batas.

Matatandaang nitong nakalipas na 3 SONA ng Pangulo naging payapa ang iba’t ibang demonstrasyon at malayang nakapagpahayag ang pro- at anti-Duterte groups.

Facebook Comments