NCRPO, may libreng sakay para sa maaapektuhan ng tigil-pasada ng TNVS ngayong araw

Gagamitin ng NCRPO ang kanilang patrol car at iba pang sasakyan ng pulis para makatulong sa mga pasaherong maaapektuhan ng tigil-pasada ng TNVS ngayong araw.

Ayon kay NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar, bilang paghahanda nagbigay na siya ng instruction sa mga district director at mga station commander.

Hindi na bago aniya ang ganitong sitwasyon dahil dati nang nagagamit ng mga pasahero ang mga sasakyan ng pulis.


Halimbawa na lang kapag may tigil-pasada ang mga jeepney drivers, may problema sa operasyon ng MRT at may kalamidad.

Samantala, kasabay ng protesta ng mga TNVS driver nakaalerto ang NCRPO at ipapatupad ang mahigpit na seguridad kahit pa wala silang namo-monitor na banta ng panggugulo.FACE

Facebook Comments