NCRPO, naghigpit ng seguridad sa Metro Manila kasunod ng paglipat ng kulungan sa ama ng Maute brothers na si Cayamora Maute

Manila, Philippines – Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na mahigpit ang seguridad na ipinapatupad sa Metro Manila.

Ito’y matapos ilipat ng kulungan ang ama ng Maute brothers na si Cayamora Maute.

Ayon kay NCRPO Director, Chief Supt. Oscar Albayalde – nanatiling ‘full alert’ status ang kanilang hanay kung saan paiigitingin pa nila ang intelligence monitoring para maiwasan ang balak ng mga terorista.


Dagdag pa ni Albayalde – makakasama ni Cayamora sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology sa Camp Bagong Diwa ang iba pang high profile inmate.

Tiniyak naman ng NCRPO Chief na walang miyembro ng anumang radikal na grupo na nasa kamaynilaan.

Si Cayamora Maute ay naaresto kasama ang tatlong iba pa sa ipinapatupad na checkpoint ng mga otoridad sa Davao City.

* DZXL558*

Facebook Comments