NCRPO, nagpaabot ng pasasalamat sa isang negosyanteng nag-donate ng container van para magamit sa isolation facility sa mga pulis na positibo sa COVID-19

Ikinagalak ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagpapasinaya ng National Human Rights Weeks and Awarding Ceremony sa ibinigay na donasyon ni Cesar V Areza, Chairman and CEO ng Areza Development and Marketing Corporation na container van na nagkakahalaga ng ₱2,800,000.00 para sa isolation facility sa mga pulis na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay NCRPO Chief Acting Regional Director Pol. Brig. Gen. Vicente Danao Jr., pinasasalamatan nila si Areza sa ginanap na launching ng National Human Rights Consciousness Week and Awarding Ceremonies sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Paliwanag ni Danao, malaking tulong sa mga pulis ang container van na nagkakahalaga ng ₱2,800,000.00 na ginawang NCRPO’s isolation facility na binasbasan noong November 28, 2020.


Dagdag pa ni Danao, napakalaking papel ang ginagampanan ng mga pulis bilang front liners sa panahon ng pandemya kayat hindi umano nila bibiguin ang tiwala ng mamamayan sa mga pulis na gagawin ang lahat upang mapanatiling mapayapa at ligtas sa anumang karahasan ang mamayang Pilipino ngayong Holiday Season.

Umaasa naman si Danao na sana ay hindi magsawa ang mga taong kagaya ni Areza sa pagsuporta at pagtulong sa mga kapulisan upang mas lalo pa umanong makapagbigay ng dekalidad na serbisyo publiko ang PNP.

Facebook Comments