Ngayong bisperas ng Bagong Taon. nagpaalala ang National Capital Region Police (NCRPO) sa publiko na magpaputok lamang sa itinalaga nilang community firecracker zones.
Ayon kay NCRPO Chief, Police Director Guillermo Eleazar, 404 ang community firecracker zones habang nasa 55 ang community fireworks display areas sa kalakhang Metro Manila.
Ito ay bilang pagtugon narin sa Executive Order no. 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ipinagbabawal ang paggamit ng mga paputok sa labas ng tahanan upang makaiwas sa sunog at disgrasya.
Sinabi ni Eleazar na popostehan ng mga tauhan ng PNP ang mga community firecracker zones at community fireworks display areas katuwang ang Local Government Units (LGUs).
Una nang sinabi ni General Eleazar na 10,000 mga pulis ang ipapakalat sa pagsalubong ng Bagong Taon upang mapanatili ang kaayusan at kontra indiscriminate firing.