NCRPO, naka-full alert na bilang paghahanda sa SONA ni PRRD

Naka-full alert status na simula ngayong araw ang 28,000-strong National Capital Region Police Office (NCRPO) bilang paghahanda sa ika-apat na State of the Nation Addres (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 22.

Ayon kay NCRPO Chief, Major General Guillermo Eleazar – aabot sa 14,000 na pulis ang ipapakalat para matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa SONA.

Sa ilalim ng full alert status, naka-stand by ang lahat ng kanilang mga tauhan.


Higit 9,000 pulis ang magbabantay sa paligid ng Batasang Pambansa sa Quezon City kung saan magtatalumpati ang Pangulo at magsasagawa ng kilos protesta ang mga pro at anti-Duterte.

Ang deployment ay magsisimula ng alas-5:00 ng umaga.

Facebook Comments