Naka-full alert na ang National Capital Region Police (NCRPO) kasunod ng pagsabog na kumitil sa buhay ng walong indibidwal sa Indanan, Sulu.
Ayon kay NCRPO Director, Major Gen. Guillermo Eleazar, ang status ay isang proactive response habang wala pang natatanggap na anumang banta sa Metro Manila.
Sa ilalim nito, agad na matutukoy ang sinumang nais magsagawa ng ilegal o terrorist acts.
Pinayuhan din ni Eleazar ang publiko na manatiling alerto at mapagbantay sa anumang kahina-hinalang bagay o sa sinumang may kaduda-dudang galaw at agad isumbong sa pulisya.
Nagpaabot na ng pakikiramay ang NCRPO sa pamilya ng mga biktima.
Facebook Comments