Patay sa pagsabog sa Military Camp sa indanan Sulu umabot na walo; suicide bombing  nakikitang motibo ng AFP sa pagpapasabog

Umabot na sa walo ang namatay matapos ang nangyaring pagsabog sa Military Camp sa Brgy Tanjung Indanan Sulu.

Ito ang kinumpirma ni Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas.

Aniya tatlong sundalo, tatlong sibilyan at dalawang suspek na may dalang bomba ang namatay sa pagsabog


Kaya ikinokonsidera nila ngayong suicide bombing ang nangyari sa Military Camp.

Sa imbestigasyon lumalabas na dalawa ang nangyaring pagsabog, unang sumabog ay ang bombang hawak ng isang nasawing suspek na nakapasok sa loob ng kampo ng 1st brigade combat team.

Sa unang pagsabog rin namatay ang tatlong sundalo at tatlong sibilyan.

Habang ang isang bomba ay sumabog sa labas ng gate ng Military Camp na ikinasawi ng may hawak ng bomba at pagkasugat ng  12 sundalo.

 

Dagdag pa ni Encinas parehong lalaki ang hinihinalang suicide bomber.

Facebook Comments