
Sa pulong pambalitaan na ginanap sa Kampo Krame sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Randulf T. Tuaño na naka-full alert status ang mga kapulisan sa darating na religious rally na gaganapin sa Luneta Park.
Nabatid na ang orihinal na pagdadausan sana ay sa People Power Monument ngunit kalaunan ito ay inilipat sa Luneta Park dahil inaasahan na nasa mahigit 300 libong mga indibidwal ang makikilahok sa nasabing rally.
Dahil dito, magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng inisyal na mahigit 9 na libong mga personnel, ngunit maaari pa itong madagdagan depende sa mapag-uusapan kasama ng Manila Police District ngayong araw.
Inaprubahan ng National Parks Development Committee ang permit nasabing rally sa mga petsang 16,17 at 18 ng Nobyembre.
Kaugnay nito, magbibigay ng 14 na ambulansya ang pamahalaang lungsod ng Maynila na ide-deploy din sa labas ng Luneta Park kasama ng mga PNP personnel na magbabantay sa seguridad ng nasabing rally.









