Naniniwala ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na napakalaking maitutulong ng pakikipagdayalogo sa mga barangay chairman upang mapalakas ang ugnayan ng mga pulis sa komunidad sa Taguig City.
Ayon kay NCRPO Director Pol. Major Gen. Vicente Danao Jr., ang pakikipag-ugnayan ng NCRPO sa 28 barangay chairman sa Taguig City ay para mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Paliwanag ni Danao, inatasan na niya ang mga pulis na paigtingin pa ang pagsasagawa ng patrol operations sa bawat barangay sa Taguig City para maresolba agad ang mga kaso at matiyak ang agarang pagresponde kung kinakailangan.
Dagdag pa ni Danao, ang pangunahing prayoridad ng NCRPO ay magtatag ng malakas na ugnayan sa komunidad at makipagtulungan sa kanila laban sa anumang klase ng kriminalidad, illegal drugs at terorismo.