Naniniwala ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na malaking tulong ang patuloy na pakikipagdayalogo sa Muslim community upang mapalakas ang kanilang ugnayan laban sa terorismo at ilegal na droga sa Metro Manila.
Ayon kay NCRPO Chief, Maj. Gen. Debold Sinas, ang hakbang na ito ay kaugnay pa rin sa kanilang Oplan Tribute na sinimulan noong Hulyo.
Ang Oplan Tribute ay may layuning mapalakas ang ugnayan ng komunidad at pulisya at matalakay ang mga pangunahing isyu tulad ng Anti-Terrorism Bill; ilegal na droga at special police operations na kinasasangkutan ng ilang Muslim personalities sa Metro Manila.
Ikinatuwa naman ni Sinas ang buong suporta ng Muslim community sa lahat ng mga programa ng PNP.
Facebook Comments