Nanawagan si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar sa publiko partikular ang mga residente na malapit sa himpilan ng pulisya.
Ayon kay Eleazar, ayusin sana nila ang kani-kanilang mga basura upang hindi ito kumalat at mapunta sa mga presinto.
Iginiit kasi ng opisyal na ang mahalaga ang kalinisan sa lahat ng aspeto maging maliit man ito o malaki kaya’t malaking bagay na daw kung aayusin nila ang kanilang basura bilang tulong na din sa kanilang kampaniya na pagandahin ang imahe ng mga pulis.
Nitong nakaraang buwan nang simulan ni Eleazar ang pag-iikot para siguruhing malinis ang nasa 187 police community precint sa metro manila kung saan masiya naman siya sa naging tugon ng kanilang mga tauhan.
Pero aminado pa rin ang opisyal na marami pa daw i-improve partikular sa labas ng istasyon ng pulisya at kung magagawa ito ay posibleng bumalik ang tiwala ng mga tao kapag nakikitang nasa malinis at maayos ang lahat.