Nanindigan ang National Capital Region Police Office o NCRPO na paiiralin nila ang maximum tolerance sa mga raliyista sa araw ng proklamasyon sa Maynila ni President-elect Bongbong Marcos.
Sinabi na ni NCRPO Spokesperson PLTCOL Jenny Tecson na handa silang ipatupad ang kaukulang batas sa pagsasagawa ng kilos protesta.
Una na ring nanindigan ang Manila Local Government Unit (LGU) na mahigpit nilang paiiralin ang no permit, no rally policy sa proklamasyon ng bagong pangulo.
Sa ngayon, wala pang natatanggap ang Manila City Government na aplikasyon para sa permit sa pagrarally sa nasabing okasyon.
Facebook Comments