Paliligo sa Dolomite beach, mahigpit pa ring ipinagbabawal – DENR

43

Hindi pa rin maaaring languyan ang Dolomite Beach dahil delikado pa sa kalusugan ng mga tao ang tubig nito.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) acting Secretary Jim Sampulna, hindi pa naaabot ng kalidad ng tubig sa Dolomite Beach ang standard fecal coliform level.

Aniya, bubuksan ang beach para lamang maging pasyalan at hindi languyan.


Nauna nang inanunsyo ng DENR ang muling pagbubukas ng Dolomite beach sa publiko sa Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

Facebook Comments