NCRPO – nasa full alert status na!

28

Mula sa heightened alert, itinaas na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang status sa full alert.

Kasunod na rin ito ng pagdagsa ngayong araw ng mga magsisi-uwian sa kanilang mga probinsya para doon gunitain ang Mahal na Araw.


Ang full alert status ay ang pinakamataas na alerto ng PNP kung saan sa ilalim nito ay kanselado ang lahat ng leave ng mga pulis at extended ang kanilang duty.

Magtatagal ang full alert status hanggang Lunes, April 22 kung saan inaasahan naman ang pagbabalik sa Metro Manila ng mga bakasyunista.

Facebook Comments

From Advertisers