PRRD, muling binatikos ang mga pari at simbahang Katolika

162

Kahit Semana Santa, hindi pinalagpas at muling binatikos ni Pangulong Rordigo Duterte ang mga pari at simbahang Katolika.

Sa campaign rally ng PDP-Laban sa Tuguegarao City, Cagayan, kagabi, hindi napigilan ng Pangulo na muling banatan ang mga paring bumabatikos sa kanyang administrasyon partikular na sa laban nito kontra iligal na droga.


Ayon kay Duterte, tuwing nagmimisa ang mga pari ay ipinapamukha sa mga Kristiyano na masama siya, gayong ang baho ng simbahang Katolika ay hindi nailalabas.

Binalaan din ni Duterte ang mga pari ng huwag gamitin ang institusyon laban sa kanya dahil mayroong separation of church and state.

Bukas aniya ang Pangulo na pamunta sa impyerno kung ganito rin ang asal ng mga pari dahil mas maraming magagandang babae roon kaysa langit.

Facebook Comments

From Advertisers