NCRPO, pinapurihan ang mga operatiba ng Station Drug Enforce Unit ng Station 11 sa pagkakaaresto sa high value target ng NCRPO

COURTESY: NCRPO

Nagpaabot ng papuri at komendasyon si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Major General Debold Sinas sa mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Galas Police Station 11 Quezon City Police District, matapos ang matagumpay na pagkakaaresto sa tinaguriang High Value Individual sa pamamagitan ng buy-bust operation kahapon ng hapon sa No. 1132 Dos Castillas St., Sampaloc, Manila.

Mahigit sa kalahating milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska sa suspek na si Mohammad Imran Abdulgoni, 27-anyos, binata at Call Center Agent at residente ng No. 1132 Dos Castillas St., Sampaloc, Manila.

Naaresto ang suspek matapos ang puspusang pagmamanman ng Intelligence Officers and Station Drug Enforcement Unit kung saan ikinokonsidera si Imran na High Value Individual na target ng NCRPO.


Nakumpiska sa suspek ang 6 pirasong transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, 2 pirasong tunay na one thousand peso bill at 8 pirasong (boodle) na tig-P1,000.00, 1 unit digital weighing scale, 1 stainless scissor at 1 yellow pouch.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa suspek.

Facebook Comments