NCRPO pinayuhan ang publiko na ‘wag magpapaniwala sa bomb scare na kumakalat sa social media at txt msgs

Manila, Philippines – Nakiusap ang Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) sa publiko lalo na sa mga netizens na huwag nang ikalat o i-forward pa ang bomb scare na kumakalat ngayon sa text messages at sa social media.

Ayon kay NCRPO Chief Director General Guillermo Eleazar, naka heightened alert ang pambansang pulisya sa buong bansa kasunod na rin ng nangyaring kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu noong Linggo na nag-iwan ng 22 patay at halos 100 sugatan.

Sinabi pa ni Eleazar na mahigpit nilang binabantayan ang kalakhang Maynila at sa katunayan laganap ang police visibility.


Ang pahayag ng opisyal ay makaraang kumalat sa social media ang umano’y bomb threat ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa isang kilalang mall at ilang matataong lugar.

Paliwanag nito, hindi nila binabalewala ang mensahe pero kanila itong beneberipika.

Kasunod nito nakiusap si Eleazar na kung makakatanggap ng kahalintulad na mensahe ay huwag nang ikalat o i-forward sa iba dahil makakatulong lamang ito sa mga terorista na makapaghasik ng takot.

Pero abiso nito sa publiko na manatiling vigilante at agad na i-report sa mga otoridad ang mga kahina-hinalang tao o bagay.

Facebook Comments