Tiniyak ngayon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pakikipagtulungan sa anumang imbestigasyon tungkol sa mg pulis na umano’y sangkot sa pagkawala ng ilang sabungero sa lalawigan ng Cavite.
Ayon kay NCRPO acting Chief PBGen. Jonnel Estimo, maraiin nilang kinokondena at hindi nila kukunsintihin ang anumang uri ng paglabag sa karapatang pantao.
Matatandaang una nang sinibak ni Estomo ang 11 pulis at pansamantalang inilagay sa kustodiya ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa, Taguig City na inimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) at nahaharap sa kasong Kidnapping ang Serious Illegal Detention at Anti Enforced or Involuntary Disapperance Act.
Kinilala ang mga inimbestigahan na sina dating Regional Drug Enforcement Unit Chief PLt Col. Ryan Orapa, PLt. Jesus Menez, PSSgt. Ronald Lanaria, PSSgt Ronald Montinon, PSSgt. Troy Paragas, PSSgt Roy Pioquinto, PSSGt Robert Raz Jr., PCpl. Christal Rosita, PCpl. Denar Roda, PCpl. Alric Natividad at PCpl. Ruscel Solomon.
Binigyan diin ni Estomo na ito ay bahagi ng kanilang commitment na baguhin at linisin ang kanilang hanay upang maibalik ang tiwala ng publiko sa pulis.