BuCor, magdaragdag ng K9 para ilagay sa entry at exit point ng New Bilibid Prison

Naniniwala si Bureau of Correction (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr., na malaking tulong ang mga K9 na nagbabantay sa entry at exit point ng New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Catapang, hindi marunong umanong magsinungaling ang aso at hindi rin umano nasusuhulan at kung may naaamoy naman itong kontrabando partikular ang mga baril, bomba at iligal na droga na tangkang ipuslit sa loob ng NBP, tiyak umanong ito’y kaniyang uupuan.

Paliwanag pa ni Catapang na malaking hamon umano sa kanya na mailagay ng kanyang kapatiran na si Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla sa BuCor para tumulong sa bagong administration para maresolba ang problema sa loob ng Bilibid.


Isusulong din ni Catapang ang mataas na pamantayan ng mga serbisyo sa pagwawasto at pagkamakatarungan sa pagtrato hindi lamang sa mga tauhan kundi pati na rin sa mga PDL.

Facebook Comments