NCRPO, tiniyak ang seguridad ng publiko kasabay ng paggunita ng Labor Day

Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang seguridad ng publiko kaugnay sa selebrasyon ng Labor Day sa Metro Manila.

Tuwing araw ng Manggagawa kaliwa’t kanan ang aktibidad tulad ng job fair at pagkilos protesta o programa ng iba’t ibang grupo.

Ayon kay Plt. Col. Luisito Andaya Jr., Spokesperson ng NCRPO, aabot sa 3500 ang kanilang ipapakalat sa Metro Manila bukod pa sa force multiplier kabilang na ang Bureau of Fire Protection (BFP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at iba pa.


Kabilang sa babantayan ang mga lugar na posibleng pagdausan ng kilos protesta tulad nalang sa Welcome Ronda sa Quezon City at Mendiola sa Maynila.

Mararamdaman rin ang police visibilty para matiyak ang safety sa Araw ng Paggawa.

Facebook Comments