NCRPO, tumanggap ng medical supplies, bibles at set of beddings

Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga donasyon na ibinigay sa kanila ng iba’t ibang mga stakeholder upang magamit ng mga pulis ngayong panahon ng COVID-19 pandemics.

Ayon kay NCRPO Regional Director Police Major General Debold Sinas, malaking tulong para sa kanyang mga tauhan ang mga donasyon na ibinigay ng iba’t ibang stakeholders gaya ng face masks, face shields, hygiene kits at iba pang medical supplies na kakailanganin ng mga pulis na frontliners na tinamaan ng COVID-19.

Paliwanag ni Sinas, nag-donate ng 20,000 face shields at 20,000 face masks ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), namahagi rin ang Upleading Incorporated ng 300 boxes ng 3-ply face masks at 300 boxes ng face shields.


Nag-donate rin ng 19,000 bibles mula Gideon International, namahagi rin ng 200 sets of beddings mula Uratex (single size foam, pillow, pillow case at blanket) na tinatayang nagkakahalaga ng P585,950 mula sa National Police College (NPC), tumanggap din ang NCRPO ng RESmart GII BPAP System Ventilator na nagkakahalaga ng P500,000 mula kay Dr. Jimmy Hao, Chairman ng Meihao Corporation.

Dagdag pa ni Sinas, ang beddings at BPAP System Ventilator ay magagamit ng Regional Health Service at ng mga tauhan ng NCRPO na tinamaan ng COVID-19 habang ang ibang donasyon ay ipinamahagi sa Station Health Units at NCRPO Personnel na naka-deploy sa field at sumailalim sa quarantine.

Facebook Comments