NCRPO, walang natatanggap na banta sa seguridad ng Pangulo sa SONA

Manila, Philippines – Walang natanggap na report ang National Capital Region Police Office (NCRPO) hinggil sa posibleng banta sa seguridad ng Pangulong Duterte sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) nito.

Gayunman, sinabi ni NCRPO Director Oscar Albayalde na kanila pa ring ibe-verify ang report ng House Sergeant-at-Arms hinggil sa sinasabing security threat sa Pangulo.

Tiniyak din ni Albayalde na malaking pwersa ng pulis ang ipapakalat nila sa labas ng Batasan Complex sa July 24.


Layon nito na matiyak ang seguridad ng Pangulo at ng lahat ng dadalo sa SONA.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments