NCSC, pabor sa panukalang payagan nang makapamasyal ang mga bakunadong senior citizen

32

Pabor ang National Commission for Senior Citizens (NCSC) sa panukalang payagan nang makalabas ng bahay ang mga nakatatanda oras na sila ay mabakunahan na.

Sabi ni NCSC Chairman Atty. Franklin Quijano, dapat na mabigyan din ng pagkakataon ang mga senior citizen na makapaglibot.


Pero dapat aniya na magkaroon sila ng sariling oras para mapangalagaan pa rin ang kanilang kalusugan at makaiwas sila sa banta ng COVID-19.

Ipinanukala ng komisyon na ibigay sa mga senior citizens ang alas 8:00 hanggang alas 10:00 ng umaga.

Nanawagan din siya sa mga senior citizen na maging maingat pa rin oras na payagan na silang makalabas.

Facebook Comments