NDF consultant na kabilang din sa most wanted list, nahuli ng militar at pulisya sa Bukidnon

Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng pulis at militar ang isang mataas na pinuno ng mga teroristang komunista na kabilang din sa most wanted list ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa ulat ng Armed Forces of the Philippines o AFP Eastern Mindanao Command (EastMinCom), kinilala ang suspek na si Adelaida “Loida” Magpatok alyas “Gwen/Emyang/Kudaw/Robby”, na dating Secretary ng Far South Mindanao Region, National Democratic (NDF) consultant, at miyembro ng Central Committee.

Nahuli ito kahapon sa Barangay Paitan, Quezon, Bukidnon sa bisa ng warrant of arrest para sa patong-patong na kaso, kabilang ang murder at double homicide.


Facebook Comments