NDF consultants na pansamantalang pinalaya ng gobyerno, hindi pwedeng arestuhin hangga’t walang ‘formal notice of termination’

Manila, Philippines – Hindi pa maaaring arestuhin ang mga Political Consultant ng National Democratic Front (NDF) na una nang pinalaya ng gobyerno para makadalo sa peacetalks.

Ayon kay NDF Legal Consultant Edre Olalia – ito ay dahil hindi pa pormal na kinakansela ang usapang pangkapayapaan.

Wala pa kasing ipinadadalang “Formal Notice of Termination” sa komunistang grupo ang gobyerno na kailangan alinsunod na rin sa Joint Agreement on Safety And Immunity Guarantees (JASIG).


Kaya sa kabila ng mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagkansela sa peace talks, nananatili pa ring epektibo ang JASIG.

Maalalang 21 mga NDFP consultant na may mga kasong kriminal ang nabigyan ng conditional release ng mga trial courts para lumahok sa Peace Negotiations sa Oslo, Norway.

Kabilang dito mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon na parehong humaharap ng kasong multiple murder at kidnapping charges sa Manila at Quezon City Regional Trial Courts.

Facebook Comments