Pulis-Antipolo, sumapi sa Maute Group; ilang ID niya, natagpuan sa loob ng main battle area sa Marawi City!

Marawi City – Isang pulis mula Antipolo, Rizal ang sumapi sa Maute Group.

Ayon kay PNP Drug Enforcement Group Mindanao C/ Insp. William Santos, boluntaryong sumali sa teroristang grupo ang pulis.

Natagpuan sa isang bahay sa Marawi na pinagkutaan ng Maute ang I.D. at driver’s license ng hindi pinangalanang pulis.


Nakuhan din siya ng litrato na nasa loob ng main battle area kasama ang mga terorista.

Dagdag pa ni Santos – ang pulis ay positibong kasamahan ng dati ring pulis-Antipolo na si Jessy Vincent Original ang pulis.

Si Original ay naaresto noong Disyembre dahil sa pagkakasangkot sa Davao City bombing noong 2016 na pinaniniwalaang kagagawan ng Maute Group.

Maaari rin aniyang sangkot sa pagsu-suplay ng droga sa mga maute ang police officer.

Iniimbestigahan na kung nag-AWOL ang pulis sa kanyang assignment sa Rizal.

Facebook Comments