NDF, hinamon ni Senator Honasan na kondenahin ang pag-atake ng NPA sa isang police station

Manila, Philippines – Hinamon ngayon ni Committee on Peace, Unification and Reconcilliation Chairman Senator Gringo Honassan ang National Democratic Front o NDF na kondenahin ang ginawang pag-atake ng New People’s Army o NPA sa isang istasyon ng polisya sa Iloilo.

Giit ni Honasan, hindi naman uubra na nakikipag-peace talks ang NDF habang nakikipaglaban o umaatake naman sa gobyerno ang kanilang armadong grupo.

Binigyang diin ni Honasan na magiging lokohan na habang humaharap sa peace talks ang NDF ay sumasalakay o naghahasik naman ng karahasan ang NPA.


Ayon kay Honasan, maaring isuspinde muna ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDF hanggat hindi kinukondena ng NDF ang ginawang pag-atake ng NPA.

Facebook Comments