Manila, Philippines – Isinailalim na sa inquest proceedings sa Camp Crame, Quezon City sina NDF Consultant Rafael Baylosis at NPA member na si Guillermo Roque na inaresto sa kasong illegal possession of firearms and explosives.
Ayon kay PNP-CIDG-NCR Chief, Senior Supt. Wilson Asueta, bagaman walang warrant of arrest sina Baylosis, nakitaan naman nila ng baril ang dalawa sa isinagawang surveillance batay sa impormasyon mula sa isang confidential informant.
Narekober mula sa mga rebelde ang dalawang caliber 45 pistols at granada na itinago sa eco-bag na puno ng brown rice.
Facebook Comments