INAALAM NA | Suspek sa pagpatay sa isang Call Center Supervisor sa Pasay City, patuloy na inaalam ng pulisya

Pasay – Patuloy na inaalam ngayon ng Pasay PNP ang mga suspek sa likod ng pagpatay sa isang Call Center Supervisor.

Sa ulat, natagpuan sa loob ng maleta ang bangkay ng biktimang si Leonardo Caleja “Alyas Ponggay” na hubo’t hubad, at may mga sugat sa katawan sa Baclaran Area.

Nabatid na ini-report na nawawala si Caleja noong Enero 19 nang hindi na ito nakauwi matapos na nagpaalam na makikipagkita sa mga kaibigan.


Ayon kay Supt. Gene Licud, Deputy Chief Of Police ng Pasay PNP, posibleng pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil nawawala ang cellphone at wallet ng biktima pero may tinitingnan pa raw silang mas malalim na anggulo kung saan hawak na rin nila ang isa sa mga “Person of Interest”.

Sa ngayon, umaasa ang pamilya ng biktima na mareresolba ang kaso at nananawagan din sila sa mga nakaka-alam sa krimen na makipagtulungan na sa pulisya.

Facebook Comments