Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabibigyan ng safe passage si National Democratic Front Chief Negotiator Fidel Agcaoili.
Ito ay sakaling umuwi si Agcaoili sa bansa para sa posibleng peace negotiations sa gobyerno.
Ayon kay Pangulong Duterte – inatasan niya ang pwersa ng gobyerno na hayaang makauwi ng bansa si Agcaoili.
Muli ring iginiit ng Pangulo na interesado pa rin siyang ituloy ang usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista at handa rin siyang makipag-ayos kay Communist Leader Jose Maria Sison.
Sinabi ng Pangulo na hindi dapat maglatag ng demand ang dalawang panig at sa halip ay mag-usap lamang ng mapayapa.
Matatandaang kinansela ang peace talks ng gobyerno at ng mga komunista noong 2017 matapos ang mga sunud-sunod na pag-atake ng mga rebelde sa tropa ng pamahalaan.
Bukod dito, pinirmahan din ng Pangulo ang isang proklamasyon na nagdedeklarang terorista ang CPP-NPA.