NDFP Consultant Luis Jalandoni at limang iba pa, itinuring na terorista ng Anti-Terrorism Council

Napasama si National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Consultant Luis Jalandoni sa listahan ng mga terrorista ng gobyerno.

Batay ito sa ibinabang resolusyon ng Anti-Terrorism Council (ATC) kung saan kasama rin dito ang lima pang personalidad na kinikilala bilang terorista.

Ayon sa ATC, si Jalandoni ay miyembro ng CPP Central Committee, NDF at NDFP at founder umano ng isang designated terrorist group na Christians for National Liberation.


Maliban kay Jalandoni, pinangalanan din ang mga sumusunod na indibiwal na kasabwat at miyembro umano ng mga grupong nagpapalaganap ng terrorismo sa bansa:

• Cordillera People’s Democratic Front Spokesperson Simon Naugsan na isang designated terrorist group at pinaniniwalaang miyembro ng CPP-NPA
• Afrecia Alvarez Rosete na paniniwalalang secretary ng Western Mindanao Regional Party Committee ng CPP-NPA
• Maria Luisa Pucray na pinaniniwalaang secretary ng Ilocos Cordillera Committee CPP-NPA
• Maria Gigi Ascaño-Tenebroso na pinaniniwalaang miyembro ng Katipunan ng Gurong Makabayan
• Walter Alipio De Asis Cerbito na pinaniniwalaang miyembro ng Christians for National Liberation

Habang ang mga sumusunod na indibiwal ay kinilala rin bilang terorista at sub-leader ng Abu Sayyaf Group at di umano ay konektado sa Daulah Islamiya:

• Basaron Arok
• Ellam Sajirin
• Madjid Sais
• Mura Asgali Kayawan
• Tawakkal Bayali

Mababatid na tinigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa mga komunistang grupo sa mga unang taon ng kaniyang panunungkulan.

Facebook Comments