MMDA, nagpaabiso kaugnay ng mga isasarang kalsada sa lungsod ng Maynila sa darating na linggo

48

Inabisuhan na ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang mga motorista hinggil sa mga isasarang kalsada sa lungsod ng Maynila sa araw ng linggo, Hunyo a-19.

Ito’y ayon sa MMDA para magbigay daan sa isasagawang Rock ‘n’ Roll Running Series Marathon sa bahagi ng Quirino Grandstand.

Mula alas-3 hanggang alas-9 ng umaga, sarado sa trapiko ang mga lansangan ng Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang Pres. Quirino Avenue; Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang sa Katigbak Drive; South Drive; Independence Rd.; Padre Burgos Ave. mula Roxas Blvd. hanggang Jones Bridge.


Gayundin sa Ma. Orosa St. mula P. Burgos hanggang T.M. Kalaw; Finance Rd. mula P. Burgos Avenue hanggang Taft Avenue; Northbound lane ng Taft Avenue mula Ayala Boulevard hanggang P. Burgos Avenue.

Sa loob naman ng Intramuros, sarado sa trapiko ang Muralla St. mula Sta. Lucia St. hanggang Real St.; Real St. mula Muralla St. hanggang Sta. Lucia St.; Sta. Lucia St. mula Real St. hanggang Muralla St. at Quintin Paredes St. mula Jones Bridge hanggang kalye Ongpin sa Binondo

Dahil dito, pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na planuhing maigi ang kanilang paglalakbay at kung maaari ay iwasan na ang bahaging ito ng Maynila sa araw ng linggo.



Facebook Comments