NDFP, hindi makikiisa sa idineklarang Unilateral Ceasefire ng gobyerno

Walang nakikitang batayan ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) para kanilang suklian ang idineklarang Unilateral Ceasefire ng gobyerno.

Sa isang pahayag, sinabi ni NDFP Chief Political Consultant Jose Maria Sison, na naniniwala syang hindi seryoso ang gobyerno sa pagdedeklara ng Unilateral Ceasefire dahil sa pagkalat ng COVID-19.

Paliwanag pa niya, hindi sya kuntento sa sinabi ng pamahalaan dahil tila spyware lang ito para sila ay malinlang at mahulog sa patibong.


Dagdag pa ni Sison, ang lockdown sa buong Luzon ay ginamit lang para takutin ang mga tao at gumawa ng mga paglabag sa karapatang tao.

Pero, umaasa si Sison na magkakaroon ng mas malinaw na usapan sa pagitan ng NDFP at gobyerno kaugnay sa ceasefire.

Nabatid na nagsimula na kaninang hatingabi ang unilateral ceasefire at magtatagal ito hanggang April 15.

Una na ring sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na umaasa sila na susunod ang mga rebelde sa deklarasyon, ngunit nakaalert sa anumang uri ng pag-atake.

Facebook Comments