MANILA – Muling nakipag-usap ang mga emisaryo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at si incoming President Rodrigo Duterte sa Davao City.Ayon kay Fidel Agcaoili, tagapagsalita ng NDFP Peace Panel, kanilang iprinesenta kay Duterte ang listahan ng mga pangalang nominado para sa gabinete ng incoming President.Sinabi ni Agcaoili na nananatiling confidential ang naturang listahan hanggat hindi pa nakakapagdesisyon si Duterte.Una rito ay sinabi ni Duterte na inireserba niya ang posisyon sa Department of Labor and Employment, Department Of Social Welfare and Development,Department of Agrarian Reform at Department of Environment and Natural Resources para sa mga miyembro ng progresibong grupo.Nakatakdang isumite ni Duterte sa Screening Committee ang naturang listahan.
Ndfp, Ipinakita Na Kay Incoming Pres. Rodrigo Duterte Ang Listahan Ng Mga Pangalang Nominado Para Sa Alok Nitong Pwesto
Facebook Comments