Pumanaw na ang chairperson ng peace panel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Fidel Agcaoili sa edad 75.
Sa Statement ng NDFP, si Agcaoili ay namatay sa Utrecht sa the Netherlands dahil sa pulmonary arterial rupture na nagdulot ng internal bleeding.
Ang mga labi ni Agcaoili ay ililipad pabalik sa Pilipinas dahil na rin sa hiling ng kanyang pamilya.
Paglilinaw ng NDFP na walang kaugnayan sa COVID-19 ang kamatayan ni Agcaoili.
Si Agcaoili ay nagsilbing Chief Negotiator noong 2016 matapos magbitiw sa pwesto si Luis Jalandoni.
Nakatira ‘in exile’ si Agcaoili sa Netherlands kasama ang kanyang asawang si Coni Ledesma at ang NDFP leader na si Jose Maria Sison.
Facebook Comments