Manila, Philippines – Aminado ang National Disaster RiskReduction and Management Council at Phil. Red Cross na hindi pa ganun ka-handaang publiko sa pagtama ng malakas na lindol sa bansa.
Kasunod na rin ito ng pagtama ng dalawang magkasunod nalindol sa mabini batangas nitong Sabado ng hapon.
Sa interview ng RMN kay PRC Spokesman Secretary GeneralAtty. Oscar Palabyab – sinabi nito na batay sa kanilang asssesment, kulang parin ang ginagawang pagresponde ng publiko sa kabila ng mga isinasagawangearthquake drill ng pamahalaan.
Maging si NDRRMC Executive Director at Office of CivilDefense Administrator Ricardo Jalad ay aminadong kulang sa training angincident management team ng batangas kaya natagalan ang asssesment sa epekto nglindol.
Samantala, inirekomenda na ngayon ng PHIVOLCS naipagbawal muna ang scuba diving sa Mabini, Batangas.
Marami namang dive resort ang umalma dahil sa peak seasonna ngayon.
NDRRMC at Phil. Red Cross – aminadong hindi pa handa ang publiko sa pagtama ng malakas na lindol, scuba diving sa Mabani, Batangas – ipinagbawal muna
Facebook Comments