Terror threat sa Central Visayas – kinumpirma ni PNP Chief Dela Rosa

23

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Philippine NationalPolice na mayroong banta ng terorismo sa Central Visayas.
  Ito ay makaraang magpalabas ng travel warning ang Amerikasa kanilang mga kababayan na ngayon ay nasa mga lugar sa Central Visayas.
  Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa –nakapag-usap na sila ng PNP regional director ng region 7 na si Chief Supt. NoliTalino matapos na matukoy ang terror threat sa lugar
  Pero, hindi na idinetalye pa ni Bato kung anongpartikular na banta ang kanilang namonitor at kung ano grupo ang posiblenggumawa nito.
  Sa ngayon mahigpit ang panawagan ni Gen. Bato sa lahat,hindi lamang sa mga Amerikano na iwasan ang pagtungo sa mga lugar na maypresensya ng Abu Sayyaf Group ang grupong kilala sa pangingidnap sa bansa.
  Titiyakin din nito na mayroon silang sapat na presensyang mga tauhan sa Central Visayas para pigilan ang posibleng terror threat.
 

Facebook Comments