NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, naka-home quarantine na rin matapos na ma-expose sa COVID-19 patient

Nagdesisyon na si National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Executive Director Usec. Ricardo Jalad na mag home quarantine.

Ito ay matapos na ma-expose sa positibo sa Coronavirus Disease nitong nakalipas na mga araw ng Sabado at Lunes.

Siya ay ikinokonsidera na ngayong Patient Under Monitoring (PUM) matapos na ma-expose sa COVID-19 patient.


At bilang medical protocol ay sasailalim siya sa 14 na araw na self quarantine.

Sa ngayon ay hindi naman nakakaramdam ng sintomas ng COVID-19 ang opisyal.

Facebook Comments